Biyernes, Disyembre 8, 2017

SALAMAT MAHAL KO, KAIBIGAN KO.

SALAMAT MAHAL KO, KAIBIGAN KO.
WRITTEN BY: EMMA from her old notes handwriting
DATE: UNKNOWN (IN EARLY yr2000 ONwards)

'Alam mo.... ako na yata ang tipo ng nilalang na ayaw makihalubilo sa lahat ng tao.
   Si Mahiyain ako. 'yan ang tawag sa akin ng marami. Galit ako sa mundo. Ulila na kasi ako. Lumaki sa magulong lansangan ng Maynila.
Anong ikinabubuhay ko? Ano pa, eh di ang manglimos. 'Yun lang ang kaya ko. Wala naman kasi akong pinag-aralan. Maganda ako?? Hindi rin.
Lahat yata ng kapangitan mayroon ang isang babae meron ako. 'Di nga yata mahiyain lang ang pangalan ko kundi si Kapangitan. Halos nga pandirihan ako, pano pulos grasa ang katawan ko. Tapos alam mo kapag walang magpalimos sa 'kin?, pumupunta ako, doon...sa tambakan ng basura! Kailangan pagkalagay pa lang ng trak ng basura, nandoon na ako..para marami akong makuhang...Tama ka! Pagkain.
  Mga pagkaing itinapon na ng karamihan hindi lang galing sa mayayaman kundi doon sa talagang ayaw na niyon. Dahil siguro panis na o dilikaya malapit na ang ...ekspayreysiyon..'yun nga ba ang tawag doon? Basta kung anuman, ang importante natatanggap ng sikmura.
   Saan ako tumitira? o Natutulog? o Naliligo? Di problema iyon sa 'kin malawak ang lansangan, kung gusto ko ng may bubong eh di sa ilalim ng tulay ako matutulog. Sagana naman ako sa tubig kapag tag-ulan, samantalang kapag medyo mababaw pa ang baha naglalangoy ako. di ba?
   Kung naenjoy ko ang aking pagiging bata? Oo naman madalas akong maglaro noon sa aking malaking palaruan... ang Luneta.
  P-Pero ngayon, dalaga na ako. "hikbi." P-parang ayaw ko na ng ganitong  buhay. P-pero ..P-paano? A-anong gagawin ko? May magtitiwala't tatanggap pa ba sa katulad ko? Bukod sa walang pinag-aralan, pangit pang hitsura ko. Mahiyain na, galit sa mundo pa rin ako. Sa kabila ng lahat, buhay pa rin ako. Hindi ko matandaan kung kailan ako nagkasakit siguro takot na sa akin ang sakit kasi mikrobyo na siguro ang balat ko.
   May nagmamahal pa rin sa akin? Huh? Sino naman ang magmamahal sa akin? Kilala ko ba siya? Eh ang alam ko ulila na 'ko.
  Yumao na lahat sila. Iniwan na nila akong lahat. (Hikbi). Si Jesus ba kamo? Aba! magandang pangalan. Pogi ba siya? Oo naman 'no! Marunong din naman akong humanga o umibig kahit ganito ako. Hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin dahil alam kong wala namang papatol sa akin. Siguro 'yung katulad ko rin na taong-grasa, P-pero ayoko sa kanila. Basta! Alam mo ba masaya kang kasama.
   Bakit nga ba? Ba't di ka katulad ng iba? Di ka nandidiri sa'kin? Simula ng makita kita dito sa gilid ng Memorial Park, lagi mo akong kinakamusta. A-alam mo bang ang gaan ng feeling nga ba 'yun?....Hahahaha..ikaw lang nakapagpasaya sa akin... T-teka, Di ba kagagaling mo lang dito sa libingan noong isang buwan?,, Ganun ba? Sori...ulila ka na rin pala...Ano kamo? Isasama mo ako ...sa bahay nyo? Bibihisan!!?? Papaliguan!?? Wow... Mapapalitan na rin ang bestidang ito. Imported to! Bigay ito ng isang Kano sa akin...matagal na.
   Aba! ang laki pala ng bahay mo! Mansiyon 'to ah.. Oo nasabi ko 'to kahit ipinagpipilitan mong simpleng bahay lang ito kasi nga, ngayon lang ako nakatira sa totoong bahay. Masarap pala.
 A-ano kamo mas masarap sa Langit? B-bakit nasan ba iyon?...Doon ba ang mas maganda mong bahay? Mansiyon kamo?? Wow! ang yaman mo pala talaga? Hindi lang ikaw? k-kundi ako rin meron doon? Paanong mangyayari eh tingnan mo nga kung hindi pa kita nakilala wala man lang akong mararanasang ginhawa. A-ano kamo ulit, Doon wala ng mahirap at mayaman? Wala ng pulubi? Lahat makakakain ng libre?
  A-alam mo sa totoo lang sa dami ng sinabi mo simula ng tumuntong ako dito sa bahay mo ..patungkol sa Langit, sa Diyos, bihira lang ang natatandaan ko. 'Yung MAHAL PALA AKO NI JESUS! S-salamat ha kasi siguro ikaw yung ang Anghel na ipinadala sa akin. Para malaman ko ang kahulugan ng buhay.
   Ngayon ibang-iba na ako kesa dati. Hindi na ako si Mahiyain na galit sa mundo. Tinuruan mo ako kung paano mabuhay ng simple at marangal. Ikaw ang pinakamahalagang regalo na ibinigay ng Diyos. Oo naman 'di ko nalilimutan na mas at pinakahigit sa lahat ay ang dakilang regalo Niya ay nang ibigay Niya ang Kanyang Bugtong na anak na si Jesus para sa tulad ko, at sa lahat ng tao na makasalanan....
 Salamat kaibigan... Hinding-hindi kita malilimutan. Ang saya-saya nating dalawa kapag namamasyal tayo sa mall. Noon..hanggang Luneta lang ako. Ngayon, heto nakakapasok na rin ako sa iba't ibang Mall nang hindi pinandidirihan at ipinagtatabuyan.
  Utang ko sa iyo ang buhay ko... Ooops...May sorpresa ako sa'yo.
Marunong na akong magluto. At alam mo ba natanggap na ako bilang serbedora at katulong sa kusina. Diyan lang sa malapit sa atin. Alam mo, mababait din sila. Kilala mo rin sila? K-kapatiran kamo? Ah alam ko na. Kaparehas mo, natin pala ng pananampalataya.
  Maligaya ka na kamo dahil iiwan mo akong matiwasay. B-bakit saan ka pupunta? A-ano...may sakit ka?? Mana-mana? C-Cancer? Taning, ano iyon? I-ilang araw, linggo o buwan iiwan mo na ako?. (hikbi!) Kung kelan naging magkaibigan tayo. Kung kelan na ..natututo na ako sa buhay, saka ka naman aalis. Puwede bang sumama?
 Oo nga pala may panahon para sa akin. P-pero alam mo mamimissed kita sobra. Oo tatanggapin ko ang pag-alis mo. S-sana b-bago ka umalis magpapaalam ka sa'kin. Para andito lang ako sa tabi mo. (hikbi!). K-kasi mahal na mahal kita higit pa sa isang kaibigan at kapatid pero alam ko 'di dapat kasi di naman tayo bagay.
 Huh? N-nabigla talaga ako? Totoo?? mahal mo rin ako? at hindi hadlang ang pisikal na kalagayan? Pakakasal t-tayo?
Salamat tumagal ka pa rin ng 6 na buwan. Talagang di mo hinayaan na umalis ka na di tayo nakakasal. Tatlong buwan na ang bunga ng ating pagmamahalan. Napakabuti talaga ng Diyos! Kahit alam kong hinihintay na lang natin ang sandaling iyon, maligaya pa rin nating pinagsasamahan ang araw na ito na naglilingkod sa Kanya.
          Siyempre masakit rin ang mawala ka dahil bahagi ka na ng buhay ko pero may kapalit naman eh. Ang baby natin.
        Hinintay mo pa rin ang pagluwal ng ating anak. Masaya ka alam ko. Nakikita ko sa iyong mukha ang kaligayahan.
        Isang sanggol na lalaki ang aking isinilang. Sisikaping mapalaki siya at maibigay ang tamang pagmamahal kahit alam kong wala na..wala na ang tataya niya.
Sa tulong ng Maykapal alam kong mapapalaki ko siya ng maayos na di tulad ng kinagisnan ko noon.
Oo salamat aking mahal dahil ngayon, Titulado na ang ating anak. Subalit ang pinakamahalaga para sa akin ay nang ipagamit niya ang propesyong iyon sa ating Panginoon.
Mga ilang panahon na lang aalis na rin ako. Magkikita na tayo.. sa tunay nating tahanan. Alam kong masaya kong iiwan ang ating anak sa isang maganda at panatag na buhay.'

***wakas***
(Note: Pawang kathang-isip lang ang kuwentong ito at walang kaugnayan sa totoong pangyayari. Maraming salamat sa pagbasa at nawa ay may kinapulutan kayong aral sa nasabing kwento.)

Miyerkules, Disyembre 6, 2017

HATID NG PASKO

While I was busy doing my laundry this afternoon, I was singing a variety of songs till I turn on to Christmas song, then I suddenly composed my own lyrics. I even once composed the song before and usually while doing my laundry or taking a shower. I am pretty sure that it was a gift from God but I don't know exactly what the tune to be called in my composition, all I want is to sing on that tune/note. If it is similar to the others composer in the past or maybe on what I never heard I apologized and not intended to do so.

Here it is: (sorry guys I composed it from my native tongue/language..and later I will post also my audio of this song/lyrics which I recorded also earlier but I will edited first due to some noise surrounds me.)

ISANG SANGGOL ANG SUMILANG
BUHAT PA SA SILANGAN
NAKITA NGA SA SABSABAN
JESUS ANG IPINANGALAN
HATID NIYA AY KALIGTASAN 
DITO SA SANLIBUTAN

MULA NOON'Y 'PINAGDIWANG
ANG ARAW NG KAPASKUHAN

CHORUS: 1
ANO NGA BA ANG DIWA NG PASKO?
MINSAN NGA BA'Y NAISIP MO/NYO
KAROLING, DAMIT, AT REGALO
SAPAT NA BA PARA SA'YO?

CHORUS:2
 ANG TUNAY NA  HATID NG PASKO
PAG-IBIG NG DIYOS SA TAO
BUGTONG NIYANG ANAK NA SI CRISTO
IBINIGAY SA'KIN AT SA YO

NABAYUBAY SA KRUS NG KALBARYO
UPANG TUBUSIN ANG SALA KO/MO/NYO

MULI NGA SIYANG NABUHAY
UPANG TAYO'Y MAGTAGUMPAY
PANGAKONG WALANG-HANGGANG BUHAY
AY KANYA NGANG INILAAN
KAYA NGAYONG KAPASKUHAN
SIYA'Y ATING PAPURIHAN

COPYRIGHT OWN AND COMPOSED BY EMMA 12-6-2017


Martes, Nobyembre 28, 2017

What do you do when reality is differ from your expectations?

so sad but most often than not..we may felt disappointed, right? don't worry guys you are not alone in this journey. soon I will share what was my experiences and how I keep on going in life. ...Thanks for reading my blogs..

JSKCA'S JOURNEY





credit to mommy fe..and the JSKCA's History..this journey has not continued but the essence and the knowledge that cultivate to the minds of these little lads who are now already in their teenage stage, may not be forgotten.

Kuddos to the Staff, and esp to all Teachers who brings  these kids where they are right now.



What a journey it has been nga ba?



Time flies..the kids in this videos are already grown up now. so fast...feel that my journey in this world is not remained in the present time but to accept that I became older and older upon this life. What a journey it has been? Only it has to be in the arms of the Almighty..The Creator of Heaven and Earth

Sabado, Nobyembre 11, 2017

first time in CALL CENTER /interview/orientation

Hi guys, this time I will be sharing with you about my experiences in first time interview with a BPO industry. The first time is in October if I am not mistaken, it was via phone call. Nagtry lang si ako, nachallenge kase sa isa sa niece ko na natanggap sa BPO. Subalit siya ay college graduate while I am in a college level lang. But thankfully ako kahit ganun pa man hindi pa rin naman iyon ang basehan kase kahit high school grad o college level o grad ay accepted sa BPO as long as maipasa mo ang qualification nila. But it's not the end of the scenario, the interview questions are unpredictable. But I had tried, Who knows (God) makapasa ako di ba? trying hard lang din sa English when it comes to verbal.
The first company experienced that I had, thankfully I passed on their assessment, then there is another day which is their initial interview, I got answered of a trainee perhaps then followed by the real interviwer, then I answered all her questions but I think in my mind, she was not satisfied even  afterwards I realized. so I expected to what her said that I supposed to be call the next day if i will receive but if there is none, wait for next three months so it means that i didnt passed on.  But i did not give up..instead, it took me a challenge and thought to myself that That company gave me an open door for that nature of work. Although I am not so fluent in accent in English as well as in grammatical aspect naman, just trying hard lang kase hindi naman ito ang kinalakhang kapaligiran ko. siguro kung puro english ang kausap ko sa araw araw kahit narito ako sa Pilipinas, malamang kahit hindi ako gaanong matalino as in straight na talaga ako sa pagsasalita ng English. At dahil hindi rin naman ako malalim sa pagsasalita ng wikang Filipino, taglish na lang ang madalas kong sinusulat o way ng pagsasalita ko even here in my blog. May regional dialect din naman ako, tagalog, batangenya accent subalit hindi rin puro. iyon ay dahil ang palagi kong kasama after ako umalis ng lugar namin ay hindi lahat mga batangenya, may bisaya, ilokano, illongo, etc..ayun tuloy naghalo-halo na kaya pag pinagsamasama filipino pa rin naman. haha..ang layo na neto sa topic ko about job interview sa call center..
my 2nd attempt phone interview ulit..unang phone interview pa lang yun parang assessment palang..alam ko na failed iyon...nasa maingay pa naman ako na lugar, kaya di ko maintindihan lahat ung sinasabi nya..di na rin ako nag-follow up.
but this time last week lang last monday, i try to inquire, then wednesday i came personally to that company and BINGO!!! pasado ako sa initial, final, and orientation..mejo hindi nga lang to kalakihan ang salary as compare to my first company interviewed via phone..

soon i will share with you naman about whats happened to my training in my 3rd job interview..if makakabenta ba ako para mahire nila ako as employee na talaga. That's it for now...

Martes, Oktubre 31, 2017

Cornerstone - Cornerstone - Hillsong Live 2012 - (HD) (With Lyrics)









WHAT IS YOUR STORMS IN LIFE?

You may answer perhaps, unlimited storms..and don't know when it last. But still keep in mind the message of this song. He is our cornerstone, He is Lord, Lord of all..He is Jesus.

There are times, you may feel forgotten by Him..because of those storms, but still remember ..in those storms of life He always seen us...no matter what happen He knows all about it..

You may feel failed in everything you tried but never loose hope.. As I've said, upon our journey in life...all will last we don't even know when but His Words,..His promises..will never last..it is eternal. it is forever..though may world don't believe it.

Like yours, I am this kind of person too, a worrier once..even now...I have so many storms in life..tend to give up a little bit..but in a glimpse just look up and remember I have Jesus..though I have so many flaws ...He always be there to care..to love..to forgive...me.

Biyernes, Oktubre 27, 2017

NOT TOO OLD TO DREAM OF

Have you ever dreamed when you are young that until you grown up is still just a dream as what you think of? You may easily give up on those dreams and envy sometimes especially while you are watching those younger generations in your present age who were already succeeded in their career path. You will look back at yourself and asked this question: Why was not happened to me during my younger years like them right now? But suddenly you may realized, there is time for everything, perhaps that's not your time then, however, till now Why not fulfilled too? Do I give up, surrender all of my dreams and stop what comes along the way?
Do you ever felt that same feeling too? You are in your 40's right now and you believe that it's not too old or not too late for that, for being successful, to succeed in all your dreams/career etc. But...its all in your mind and the truth is you can feel depress..deep within..and don't know if it could be true throughout the coming days...years..
But there is another side of you...saying...NO TO GIVE UP..not Too old for that..as long as you live there is HOPE..
Rise up!!!! Go On...KEEP ON YOUR DREAMS..when there are people turn you down in your dreams..stand up because THE AUDIENCE OF ONE is still looking/watching you daily upon your journey in this world.

Biyernes, Oktubre 13, 2017

Tunay Ka





this is one of my song composition  2 years ago if

i am not mistaken. It is Tagalog language but i try to translate into English here in my video just to let the viewers understand what was i sang about. It came to me when I sing praises to God and suddenly the lyrics and tune comes out. But i am not professional composer nor singer as well, and sad to say that I don't know how to do it via instrument. I love composing poems, songs, story but when it comes to listening to instrument or make a chord, its hard for me. maybe if I have an opportunity to study to music lessons i can learn that. I am not born into music but it can be nurture only if...i tried before but  only in my dreams. Hope you like it. I am not too expert when it comes to video editing too that's why one stanza doesn't appeared in the screen but I had typed that phrase...it stated when complete "You're the answer to all my questions"

Linggo, Setyembre 24, 2017

Go the Distance - Michael Bolton









What can you say about this song? share your thoughts.. I don't really know Michael Bolton who sang this song neither the lyricist or whoever the composer is but I am impressed and touched my heart with this song. I first listened earlier to a local singer Anton Antenorcruz, who is presently one of semi-finalist of TNT segment in a local noontime TV show. Actually I am not a fan of that show only that segment rather because I love to hear and watched people who is good in singing. I once dreamed to become a singer,,,a singer/songwriter/singer-actress perhaps but later on I realized it was not my world. I only accept myself as a singer inside the Shower room where I take a bath or when doing some house-chores such as laundry, doing the dishes..Yes.. it was my time in singing. And now the social media is in or trending..It is my time to shine that's why I do some blogs in my You Tube channel some of my composition but sorry to disappoint you guys if you heard too low because I haven't had enough tools as of this moment to improve that..lack of resources right now..But soon I will do more effort to improve the sound system though I am not professional and not sooo techi person. Hope you enjoy what I will share with you..my simple drama in life.

Martes, Setyembre 19, 2017

Christmas Songs 2016 with Jose Mari Chan





video credit to the owner..

just wanna share my thoughts about this song: Celebrating Christmas in the Philippines started this month. You can hear around especially in the mall or in radio the Christmas songs like this. And to those Filipinos like me, it always touching heart and gives a different feelings within. Since I knew and accept Jesus as personal Lord and Savior, I had truly enough its not only the tune of Christmas songs, not only the beautiful decorations around us but the real essence of this season. Because this season is the reason why The Gift from above came down and save  the mankind.

THROWBACK SELFIE



This is the collections of my photos during my late teenage years up to present time. Yes Life is a journey, and I never notice that its been a past 2 decades since I became into my young adulthood stage. I have no regrets except for the fact that I never became too boldest enough before to express my really me. Even now, I am still a little bit of shyness and keep silent, but With God's Grace and Mercy, I have to fight a good fight of Faith to finish the race.

Martes, Setyembre 5, 2017

whats up???

What's the newest or latest about me? Well, nothing as usual except for the fact that I am alive, and breathe by God's grace. Still waiting for the right and perfect timing for the upcoming job/income opportunities and also for the partner in life He will be giving to me soon. Who knows  If I will be forever single or soon to be wed to the unknown guy who lives in the place where still I don't know this time. The future husband of mine who can be my fellow believer in Christ, understand and know my ever ever moodswings, etc..etc.., my future mate, partner in serving Him in whatever ministry we can do for His glory.  Wherever and whoever you are... you are the best that happened to me, even if i still don't know when and where we've meet  but I keep on believing in whatever it takes...God will make a way..for us to cross our path in the directions He leads us to.

Martes, Agosto 22, 2017


When you take a look at this picture, what's brings on your mind? 

KASAYSAYAN

Naniniwala ka ba na ang isang kasaysayan ay nagsisimula sa kasalukuyan? Isang manunulat ang maaaring magsalaysay nito sa hinaharap upang mabuo ang isang ...kasaysayan. Kung kaya napakahalaga ng papel na ginagampanan ng isang manunulat upang ang mga susunod na salin-lahi ay magkaroon ng kaalaman o kaunawaan sa mga pangyayari ng nakalipas. Patungkol sa kung ano ang kanyang pinagmulan. Kung walang naisulat ang mga naunang tao sa atin, o mga ninuno natin o ng iba pang mga bansa ay hindi natin malalaman ang mga bagay na ating nakikita sa paligid gaya ng mga lumang istraktura, artifacts atbp. Mga sinaunang bagay at mga pangyayari, subalit hindi lahat naman ng mga nasulat noon ay hango sa tunay na pangyayari. May mga tinatawag rin namang mga fiction dahil kung minsan bunga ng imahinasyon o mga bagay na gusto nilang mangyari. Subalit marami ring mga nasulat noon na itinago sa mga mapatalinghagang mga kwento upang malaya nilang maisulat ang lahat ng iyon at mabasa ng mga mamamayan na may kaunawaan sa ganoong bagay lalo na noong panahong sinakop tayo ng mga Kastila, may mga nagsulat gaya nila Dr. Jose Rizal, ang ating Pambansang Bayani; Francisco Balagtas at iba pa na maaaring hindi ko kilala ngunit nagbigay ng kontribusyon sa ating bansa. Higit pa rito, may mga kasaysayan na totoong naganap...kasaysayang ng pagkalikha sa tao, sa mundo at lahat ng bagay. Mga kasaysayang nakapaloob sa aklat na makikita sa larawang aking inilagay sa ibaba. Higit sa lahat ay ang Kasaysayang ng kaligtasan ng tao na naganap noon at magaganap pa rin sa kasalukuyan at sa hinaharap sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus kung tatanggapin natin Siya bilang Panginoon at Sariling Tagapagligtas ng ating buhay.

Sabado, Hulyo 22, 2017

Give them All to JESUS



This is not my own video. credit to the owner. I love the message of this song. Whenever I felt the sadness  memory in the past if i remembered this song, i ease the pain and because its by God's grace alone talaga. Siya ang tanging makakagamot ng mga masasakit na alaalaala, mga nabigong pangarap na ating nararanasan at kung minsan nga ay hindi pa natin alam kung kailan ito magkakaroon ng katagumpayan. He is more than conqueror upon all these.

/TRANSLATE
This is not my own video. Credit to the owner. I love the message of this song. Whenever I felt the sadness memory in the past if i remembered this song, i ease the pain and because its by God's grace alone really. He is the only one who can cure bad memories, failures of dreams that we are experiencing and sometimes we do not know when it will come. He is more than conqueror upon all these.

Lunes, Hulyo 17, 2017

AMAZING GRACE Bible verses for today














Hope you will inspire upon reading the message from the Bible.. God is so amazing upon His Grace.. He saved like me. like you too He can.

Maaari ninyo po ivisit ang you tube ko na may video na ganito. https://youtu.be/jPxG8FS1b0I

AMAZING GRACE Bible Verses

Miyerkules, Hulyo 12, 2017

Baby Buster generation

Early this afternoon I got a message from my niece helping me to do sample of speech about Millennial Generations. O oh..I haven't had enough idea about that. That's why I need turn to my Consultant, the wide dictionary/encyclopedia:  the Google. in the past I've learned that there are five kinds/types of Generations such as: The Builders, The Seniors, The Baby Boomers,  The Baby Busters, The Generation X. and yet, I almost forgot the exact year covers in each generation. All I know is as far as I remembered was, I am in Baby Busters generations. However, The Millennial Generations is falling in Generation Y according to my research earlier. The net gen or the people born in computer or internet technology.
For me whatever generations we are in to fall as long as respecting each other is within us, we can also gain and earn the love and affection all throughout.

Martes, Hulyo 11, 2017

WHEN TIMES GET TOUGH

Sometimes or more often than not, we do not know what to do when times get tough, rough, or whatever bad circumstances happened in our lives. The things we usually do is ... to cry, to escape, to self-denial, etc..etc .. But ... Is it possible to help people who suffer all those things to hear or listen to some piece of advice coming from anyone who is currently in that same scenario?
Does it really helps ???
Share your thoughts ..


Linggo, Hulyo 9, 2017

KABIGUAN

Nakaranas ka nang mabigo sa mga pinangarap mong mangyari sa iyong buhay.. sa iyong nakaraan? Iyon bang gustong gusto mong makamtan abot kamay na subalit unti unting naglaho at tila baga nawalang parang bula. May mga iba't ibang kadahilanan kung bakit nangyayari ang mga bagay na hindi mo inaasahan na iyon ang magiging resulta ng iyong pagsisikap, na ang tanging layunin mo naman ay hindi lang pansarili kundi kaakibat din ang ibang tao sa iyong pangarap na iyon. Subalit ikaw ay nabigo at hindi mo alam kung kailan ka babawi ng lakas upang mapagtagumpayan ang kabiguan na iyon. Humahanap ka ng solusyon ayon sa sariling lakas at karunungan subalit bigo ka pa rin maunawaan ang mga bagay-bagay, Bakit?? sapagkat hindi mo kayang mag-isa lamang, kailangan mo ng dadamay sa iyong kalagayan. Layuan ka man ng mga dating kaibigan, o mga mahal mo sa buhay na siyang magiging sandalan mo sana sa iyong mga nararanasan. Subalit ang nag-iisang nanonood sa iyo sa panahon na ikaw ay nalulumbay, umiiyak na tila hindi makita sa iyong mata dahil naubos na ang luha umaagos dito. Huwag mag-alala dahil hindi lang naman ikaw ang nakakaranas ng ganiyang kalagayan. Maaaring hindi mo maunawaan sa kasalukuyan subalit darating ang araw malalagpasan mo rin iyan. Alalahanin mo lamang na mayroong isang sa iyo'y nakamasid. Ang ating Diyos na tunay nating kasama sa lahat ng panahon, sa bawat pagkakataon, at sa itinakdang oras magugulat ka na lamang hindi mo mamalayan, nagtagumpay ka rin naman pala. Sobrang tagal man iyon, subalit sa tulong ng ating Panginoon, makakamtan mo ang inaasam mong pangarap. May kasabihang "Failure is the backdoor of Success" naniniwala ba kayo dito?

PAGPAPALIBAN /PROCRASTINATION

Pagpapaliban o procrastination.  Naranasan ninyo rin ba ang ganitong gawi? Ibahagi ninyo naman sa akin kung mayroong kayong mga nasayang na pagkakataon dahil lang sa pinagpaliban ninyong gawin ang isang bagay na dapat sana ay natapos na ng araw na naisip ninyong gawin o itinakdang oras na talaga upang tapusin o gawin iyon. Sa totoo lang aminado ako na may mga panahon na nagagawa ko ito o baka nga madalas na nangyayari. oops..guilty naman ako ng lagay na ito. So ano nga ba ang dapat gawin upang hindi na magkapatung-patong ang mga dapat gawin? Nais ko marinig ang iyong mungkahi hinggil sa paksang aking nabanggit. Hanggang sa muli guys! Sige na share your thoughts about procrastination and your experience on it. no judgment/condemnation here .. we're all imperfect person and everybody commits mistakes. 

Huwebes, Hulyo 6, 2017

CHALLENGE OF JOURNEY / HAMON NG PAGLALAKBAY

Today, I wanna share something with you guys. there is a challenge of journey. Isang hamon ng paglalakbay na kung minsan ay di mo mawari. sometimes you failed, sometimes you succeed. Those times when you feel tired and weary, losing hope  and yet,  you never easily give up which upholding to whenever look back in your past. But sometimes, you may realize you're in a self-denial. You face in front of people opposite to deep within you. You are not alone in this situation. I, once having that kind of feelings. however if you really knew to yourself what the big Hopes that challenge of journey you can raise up again and lift up your eyes, heart and mind to the bright future.

 I am newbie to this kind of blogsite, it almost half year when I started blogging although its my dream to become a writer but I don't know when and where I started. But now as I read and read and research I gradually know that this passion of mine will become my challenge of journey in life.
Though I am not so fluent in english (trying hard ika nga), but I will face this challenge to reach my dream and goal in life.
   Happy reading guys! hope you enjoy my blogs as we go along the way.😂😆

Sabado, Hulyo 1, 2017

SINGLEHOOD....ALONE BUT NOT LONELY

Have you ever heard so many questions from everyone you ever met everyday, every events you attended??? Really? still single?? why? are you too picky? high standard? etc...etc..
But..despite of too many questions or around millions of eyebrows lifted up, doubting from your answered..you always put on your mind, 'who cares? if I am still single at this time?' some other may say you're not getting any yonger!!! yeh they're right bcoz you're in the mids of 30's or in your 40's already.
However, you are still wont affected because in your mind you are not lonely, so why are they so worried about my life? Are they truly concerned about me? or wala lang.. (just nothing to say on you but not really helps you in times of your needs..)
Singlehood is enjoyable whether you are not concluded that in your entire life you may become single but while waiting for your future partner..just enjoy life..do whatever you want to do, being productive in your career, ministry involving with, in your family.. or even alone..while you are apart from those  you misses for..
If you fail once, try it again, if failed twice, the numbers are countless, you can move on and on.. until you find the success you want it to be. That's all for now...till next blog.

Sabado, Hunyo 17, 2017

FATHER'S DAY

Happy father's day Tatay, alam ko hindi ninyo agad mababasa ito subalit ang aking puso ay palaging dumadalangin na kahit hindi tayo bukas ang komunikasyon, o hindi maiexpress verbally ang nilalaman ng damdamin alam kong mahal ninyo ako at mahal ko rin kayo bilang aking ama. Sa inyo ko namana ang malikhaing pagsulat ng isang tula bagamat kapwa natin hindi ito nailahad sa madla o wala man lang naipublish. subalit sa pamamagitan ngayon ng makabagong teknolohiya ay sisikapin kong ipahayag sa buong mundo kung gaano kayo kayaman sa pagkamalikhain, hindi man kayo nakapagtapos ng pag-aaral kahit elementarya ngunit ang talentong ibinigay sa inyo ng Diyos ay hindi matatawaran. Salamat Tatay, salamat sa lahat. Hangad ng aking puso na dumating pa kayo sa puntong mas higit ninyong makita at maranasan ang Dakilang pagmamahal ng Diyos para sa inyo na hindi kayang tumbasan ng mga bagay ng mundo. 
   Mahal ko po kayo!!!💖

Lunes, Marso 27, 2017

KWENTO NG PAG-IBIG NI ANNIE

Gusto ninyo bang malaman ang kwento ng pag-ibig ni Annie?
hayaan ninyong isalaysay ko sa mga susunod na araw ang lahat ng iyon. abangan ninyo po!!!!!

Biyernes, Marso 17, 2017

#HUGOT LINE IN THE PAST

THANKS FOR EVERYTHING....
  • THOUGH I PAYBACK NOTHING...
  • SORRY FOR I HAVE BEEN MISTAKEN...
  • BECAUSE LIKE U IM A HUMAN BEING...
  • HOPE WE'RE STILL BE FRIENDS
    DESPITE OF ALL THINGS HAPPENS
    I KNOW I CANNOT PLEASE U OFTEN
    BECAUSE OF MY SOME WRONG DOING
  • BUT THE WORD U SAY ME THEN
    "U'RE NOT MY ENEMY OK?"
    SOMETIMES I FELT SO GUILTY
    COZ I MISTREATED U BADLY
  • I HOPE AND I PRAY 
    THAT I MAY STILL THE SAME
    AS I AS U KNOW ME THEN
    AND FOR OTHERS BE A BLESSING
  • I MISSED THE DAY WE'VE LAUGHED
    IN TIMES THAT I FEEL NOT MAD
    MAY THIS MOMENT WILL BE BACK
    IN JUST A LITTLE TIME WE CHAT...
    IN THIS POEM I ONLY SHARE WITH U ALL ABOUT MY FEELINGS NOT A SELF-PITY BUT TO BE HONEST RATHER.

Lunes, Pebrero 20, 2017

TULA

TULA NG PAG-IBIG NG AKING AMA SA YUMAO KONG INAY (poem about love, compassion, memories of my father to my late mother)

TITLE: BAKIT MAY TAKIP-SILIM ANG BUKANG-LIWAYWAY?
(Why there was a twilight in a dawn?)
I
  • ALA-ALA NG KAHAPO’Y INILUHA NG PANULAT 
  • NAGING ISANG KASAYSAYANG NATALA SA MUNTING AKLAT 
  •  LUMIPAS MAN ANG PANAHON DITO’Y LAGING MAMAMALAS 
  •  ANG LIWANAG NG UMAGA DAPI’T HAPON NAMALAS 
  •  ANG SILAHIS NG LIWANAG MULA SA GINTONG UMAGA 
  •  NAGING ISANG DAPITHAPON NG ANG ARAW LUMOBOG NA 
  •  ANG MUSIKA NG SOYOAN NAGING ISANG PAGDURUSA 
  •  NG ANG BAGTING NG KODYAPI AY TOLOYANG MALAYOT NA 
  •  DALAWAMPU AT SIYAM NA TAON NA LUMIPAS SA AKLAT NG BUHAY
  •  NAMING MAGSINGLIYAY SA DI AKALAIN NG ABA KUNG PALADKABIYAK NG PUSO’Y HUMINGA’Y MAGWAKASⓇ   
  •  SA MARAMAING ARAW BUWAN MGA TAON 
  • MUTYA SA PUSO KO SA SAKIT NAGOMON 
  • I’BAT-IBANG URI MGA OPERASYON 
  • MAY APENDISITIS NOONG UNANG TAON  
  •  SUMUNOD AY MATRES ANG INOPERAHAN 
  •  PAGKAT YAONG SANGGOL AY WALA NG BUHAY 
  • HALOS DALAWANG LINGGO SA SINAPPUPONAN
  •  BAGO PA MADALA DOON SA HOSPITAL
  •   SALAMAT NA LAMANG SA AMING KAPATI
  •  BUHAT SA MAYNILA’Y UMAHON SA BUKID 
  •  SA AMING TAHANAN NG SILAY SUMAPIT
  •  ANG SABI NG GOMAYAK BUKAS AY AALIS 
  •  SILA NGA’Y UMALIS NG KINABUKASAN 
  •  LUNSOD NG MAYNILA ANG PINATONGOHAN 
  •  NG SILA’Y DUMATING NAGING KAAGAPAY 
  • PINSAN NAMING RUBE MAY PUSONG ULIRAN 
  •  ANG UNANG NAG SUSI DRA. PAREHASA CARDINAL SANTOS
  •  SILAY PINAPUNTA DOON SA HOSPITAL 
  • NG DUMATING SILA MATAPOS MASURI DAPAT AY OPERA  
  •    ISANG DALUBHASA ITONG SI DR. JANKUNG 
  • KAYA ANG SABI AY OOPERAHAN ANG SANGGOL AT MATRES AALISING TUNAY SANGGOL AY BULOK NA MAY LASON NG TAGLAY PAGKATAPOS NITO AY MULING DINALAW MUTYA SA PUSO KO IBANG KARAMDAMAN DRA. ONGKING CO ANG NAGSURI NAMAN SAKA DR. PONCE ISA RING MAHUSAY 
  •  KARAMDAMANG ULCER ANG SUMUNOD NAMAN 
  • HALOS WALONG TAON TAGLAY GABI’T ARAW 
  •  NGONIT NG DAPUAN IBANG KARAMDAMAN 
  • NAWALAN NG BISA MGA KAGAMOTAN 
  •  DR. MASILONGAN ANG SABI GANITO 
  • YAONG KANYANG PUSO’Y SIYANG APIKTADO 
  •  PAG HINDI TINANGGAP GAMOT NA REMEDIO 
  •  MARAHIL ANG BUHAY PUMANAW SA MUNDO  
  • NOON AY UMAGA KASISIKAT LAMANG SA DAKO PAROON ITONG HARING ARAW KATAWA’Y HUMINA DINA MAIGALAW 
  •  NA PARA BANG HUDYAT NG HULING PAALAM  
  • HAWAK KO ANG PULSO MUKHA’Y MINAMASDAN 
  • ANG TIBOK NG PUSO’Y DINA MARAMDAMAN 
  • SUMOKA NG DUGO MATA AY PUMANGLAW 
  •  SIYANG PAGKAWALA NG HIRAM NA BUHAY 
  •  NG SANDALING YAONG HININGAY PUMANAW 
  •  KABIYAK NG PUSONG PINAKAMAMAHAL WARI KO’Y NAGLAHO ANG KALIWANAGAN 
  •  SA MATINDING BUGSO NG KAPIGHATIAN 
  •  NAGLUKSA ANG LANGIT DAGAT DUMALUYONG 
  •  BUONG KALAWAKA’Y NAGING DAPIT HAPON
  •  ANG BUKANG LIWAYWAY NAMAMASID NOON 
  • GANAP NA NAGLAHO NG SANDALING YAON 
  •  MATAPOS MAGDAAN ILANG SANDALI PA 
  •  ANG MUTYA KUNG GINANG AY INIOWI NA 
  •  SA AMING TAHANANG DATI AY MASAYA 
  • NGAYO’Y NAGING PUGAD NG PIGHATI’T DUSA 
  •  ILANG GABI HALOS NA PINAGLAMAYAN 
  •  MUTYA SA PUSO KO NA WALA NG BUHAY 
  • HABANG MINAMASDAN SA GABI AT ARAW 
  • ANG AKING NADAMA’Y ISANG KATANONGAN 
  •  SA AKING PAG-ALIS SINO ANG IIWAN 
  • KUNG IKAW WALA NA SA MONDONG IBABAW 
  •  SA AKING PAGDATING SINO ANG DARATNAN 
  •  KUNG NANDOON KANA SA HULING HANTUNGAN 
  •  SINO ANG KAYAKAP SA AKING PAGTULOG 
  •  KUNG ANG KATAWAN MO’Y ISA NG ALABOK 
  •  SINO ANG PUPUKAW KAPAG NATUTULOG 
  • BUTIHING MAY BAHAY NA ASAWANG IROG 
  • OH! MINAMAHAL KUNG MUTYANG SINISINTA 
  •  BAKIT KA’Y AGA MONG SA AKIN KINUHA 
  •  PARANG KAILAN LANG TAYO’Y MAGKASAMA 
  • PINAGSASALUHAN TAMIS NG LIGAYA 
  •  PANAHONG LUMIPAS AY LUBHANG MADALI 
  • BAKAS NG KAHAPO’Y DIPA NAPAPAWI 
  •  DIPA NALILIMOT BINDISION NG PARI 
  • MAGSASAMANG LUBOS PUSONG PINAGTALI 
  •  KAPOS KAPALARAN ATING PAGSASAMA
  •  WALA KANANG BUHAY AKO’Y INIWAN NA 
  • HANGGANG SAAN AKO MAKAPAG-IISA 
  • SA LANDAS NA ITO NG PANGONGOLILA 
  •  MATA’Y NAKATANAW DOON SA MALAYO 
  • AT GINUGUNITA TAMIS NG PAGSUYO 
  •  ANG TANGING PABAON SA IYONG PAGLAYO 
  • DIKA MALILIMOT SA UBOD NG PUSO 
  •  NGAYON AALIS KA KAMI IIWAN MO 
  •  MAGIGING TAHANA’Y YAONG SEMENTERYO 
  • POOK NA MAPANGLAW SA PARTI NG MUNDO 
  •  PAGKAT ANG NATIRA AY NAGIGING ABO 
  •  DOON SA SIMBAHAN IKAW IDINAAN 
  •  BAGO INIHATID DOON SA LIBINGAN 
  •  HABANG NAGLALAKAD TUGTOG AY MAPANGLAW 
  •  NA PARA BANG TINIG NG HULING PAALAM 
  • NG MAIHATID KA SA MUNTING TAHANAN 
  • KAMI UMOWI NG SAKBEBE NG LUMBAY 
  • ANG MARAMING TAO LUBOS NA DUMAMAY 
  •  HALOS HINDI KO NA PASALAMATAN  
  • MAG MULA NOON HINDI MATAMHIMIK 
  •  SA DATING HIMLAYAN AY HINDI MAIDLIP 
  • LAGING NAGHAHANAP LAGING NAGIISIP 
  •  KUNG BAKIT KAY AGA NA ITO’Y SINAPIT 
  •  AKO’Y TAO LAMANG MAY PUSO’T DAMDAMIN 
  •  TULAD NG HALAMAN SALOOB NG HARDIN 
  • KAPAG KA ANG TUBIG NAWALAY SA PILING 
  •  AGAD NALALANTA KAHIT DIINITIN 
  •  MGA MAGULANG KO KAYO ANG PATNUBAY 
  •  SA BAWAT SANDALI SA MONDONG IBABAW 
  • MGA KAPATID KO KAYO ANG TIMBULAN 
  • SA PAGKAKAPALAOT SA DAGAT NG BUHAY
  •   KAYO MGA ANAK GABA’Y AT SANDIGAN 
  •  SA TATAHAKIN KUNG PANIBAGONG BUHAY 
  •  ANG MGA APO KUNG MAY MORANG ISIPAN 
  •  ISANG ALAALANG SAAKIN INIWAN 
  •  NAGING KAPALARAN NAMING MAG-ASAWA 
  • MAAARING MALUNGKOT MAAARING MASAYA 
  •  MALONGKOT SAPAGKAT SIYA’Y NAWALA NA 
  •  ---ULIRAN SA KABUTIHAN IKAW MOTYANG SINISINTA 
  •  NA MINAMAHAL AT INIIBIG DINAKILA AT SINAMBA 
  • IKAW AMING HAHANDOGAN NG LUBOS NA ALA-ALA 
  • PAGKA’T UNANG KAARAWAN MULA NOONG PUMANAW KA 
  •  SAAN KA MAN NAROROON O DIOSA NG AKING BUHAY 
  • ANG TAIMTIM NA DALANGIN 
  • SANA’Y IYONG MARAMDAMAN 
  • SANA’Y PINAGPAPALA KA NG PANGINOONG MAY KAPAL 
  • AT DOON SA PARAISO’Y MASAYA KANG NAHIHIMLAY 
  •  KUNG IKAW MAN AY WALA NA 
  • IKAW AMING YAYAKAPIN 
  •  KAHIT NASA PANAGINIP SA RUROK NG PAPAWIRIN 
  •  SA KARUSANG MGA ULAP IPAGHEHELE KA NAMIN 
  • UPANG KAHIT SA GONITA’Y IKAW AMING MAKAPILING 
  •  ANG SARIWANG MGA ROSAS SA PUNTOD MO’Y IAALAY 
  •  UPANG MAG SILBING PABANGO 
  • NG ALABOK MONG KATAWAN
  •  AT ANG NINGAS NG KANDILANG PATONGO SA KALANGITAN
  •  AY ILAW NA BAWAT ORAS SAIYO AY MAY BABANTAY 








Miyerkules, Pebrero 15, 2017

PUSONG SAWI

Naranasan mo na bang maging sawi? marahil hindi lamang ako at ang ilang tao ang nakaranas ng ganito? sawi sa pag-ibig...sawi sa ibat ibang bagay...mga karanasan na hindi mo agad agad maiwawaglit sa iyong isipan..pilit na umuukilkil sa iyong balintataw ..bawat umaga...bawat araw...ngayon, ikaw ba ay hihinto na sa ganitong kalagayan ng iyong buhay o magpapatuloy ka sa iyong paglalakbay hanggang sa matamo ang isang tinatawag na ,,,,TAGUMPAY..#HUGOT #NASAKTAN..NAGMAHAL..maraming pwedeng idugtong sa dalawang katagang ito..subalit ang lahat ba ay makakatulong sa iyong pagkatao..sa kabuuan ng iyong buhay...
abangan ang mga iba ko pang ilalahad hinggil sa aking pamagat sa blog na ito..nawa'y hangad ko ang makakabasa ay magkaron ng isang aral sa pagbabasa ng aking blog..bago pa lamang ako subalit sa pagdaan ng mga araw matutunan ko rin ang pagsusulat dito sa blog..na isang libangan, talento at inspirasyon ko na nahinto maraming taon na ang nakaraan. ngayon ay muling bubuksan ang aking natatagong hugot sa buhay. salamat sa lahat..