Lunes, Pebrero 20, 2017

TULA

TULA NG PAG-IBIG NG AKING AMA SA YUMAO KONG INAY (poem about love, compassion, memories of my father to my late mother)

TITLE: BAKIT MAY TAKIP-SILIM ANG BUKANG-LIWAYWAY?
(Why there was a twilight in a dawn?)
I
  • ALA-ALA NG KAHAPO’Y INILUHA NG PANULAT 
  • NAGING ISANG KASAYSAYANG NATALA SA MUNTING AKLAT 
  •  LUMIPAS MAN ANG PANAHON DITO’Y LAGING MAMAMALAS 
  •  ANG LIWANAG NG UMAGA DAPI’T HAPON NAMALAS 
  •  ANG SILAHIS NG LIWANAG MULA SA GINTONG UMAGA 
  •  NAGING ISANG DAPITHAPON NG ANG ARAW LUMOBOG NA 
  •  ANG MUSIKA NG SOYOAN NAGING ISANG PAGDURUSA 
  •  NG ANG BAGTING NG KODYAPI AY TOLOYANG MALAYOT NA 
  •  DALAWAMPU AT SIYAM NA TAON NA LUMIPAS SA AKLAT NG BUHAY
  •  NAMING MAGSINGLIYAY SA DI AKALAIN NG ABA KUNG PALADKABIYAK NG PUSO’Y HUMINGA’Y MAGWAKASⓇ   
  •  SA MARAMAING ARAW BUWAN MGA TAON 
  • MUTYA SA PUSO KO SA SAKIT NAGOMON 
  • I’BAT-IBANG URI MGA OPERASYON 
  • MAY APENDISITIS NOONG UNANG TAON  
  •  SUMUNOD AY MATRES ANG INOPERAHAN 
  •  PAGKAT YAONG SANGGOL AY WALA NG BUHAY 
  • HALOS DALAWANG LINGGO SA SINAPPUPONAN
  •  BAGO PA MADALA DOON SA HOSPITAL
  •   SALAMAT NA LAMANG SA AMING KAPATI
  •  BUHAT SA MAYNILA’Y UMAHON SA BUKID 
  •  SA AMING TAHANAN NG SILAY SUMAPIT
  •  ANG SABI NG GOMAYAK BUKAS AY AALIS 
  •  SILA NGA’Y UMALIS NG KINABUKASAN 
  •  LUNSOD NG MAYNILA ANG PINATONGOHAN 
  •  NG SILA’Y DUMATING NAGING KAAGAPAY 
  • PINSAN NAMING RUBE MAY PUSONG ULIRAN 
  •  ANG UNANG NAG SUSI DRA. PAREHASA CARDINAL SANTOS
  •  SILAY PINAPUNTA DOON SA HOSPITAL 
  • NG DUMATING SILA MATAPOS MASURI DAPAT AY OPERA  
  •    ISANG DALUBHASA ITONG SI DR. JANKUNG 
  • KAYA ANG SABI AY OOPERAHAN ANG SANGGOL AT MATRES AALISING TUNAY SANGGOL AY BULOK NA MAY LASON NG TAGLAY PAGKATAPOS NITO AY MULING DINALAW MUTYA SA PUSO KO IBANG KARAMDAMAN DRA. ONGKING CO ANG NAGSURI NAMAN SAKA DR. PONCE ISA RING MAHUSAY 
  •  KARAMDAMANG ULCER ANG SUMUNOD NAMAN 
  • HALOS WALONG TAON TAGLAY GABI’T ARAW 
  •  NGONIT NG DAPUAN IBANG KARAMDAMAN 
  • NAWALAN NG BISA MGA KAGAMOTAN 
  •  DR. MASILONGAN ANG SABI GANITO 
  • YAONG KANYANG PUSO’Y SIYANG APIKTADO 
  •  PAG HINDI TINANGGAP GAMOT NA REMEDIO 
  •  MARAHIL ANG BUHAY PUMANAW SA MUNDO  
  • NOON AY UMAGA KASISIKAT LAMANG SA DAKO PAROON ITONG HARING ARAW KATAWA’Y HUMINA DINA MAIGALAW 
  •  NA PARA BANG HUDYAT NG HULING PAALAM  
  • HAWAK KO ANG PULSO MUKHA’Y MINAMASDAN 
  • ANG TIBOK NG PUSO’Y DINA MARAMDAMAN 
  • SUMOKA NG DUGO MATA AY PUMANGLAW 
  •  SIYANG PAGKAWALA NG HIRAM NA BUHAY 
  •  NG SANDALING YAONG HININGAY PUMANAW 
  •  KABIYAK NG PUSONG PINAKAMAMAHAL WARI KO’Y NAGLAHO ANG KALIWANAGAN 
  •  SA MATINDING BUGSO NG KAPIGHATIAN 
  •  NAGLUKSA ANG LANGIT DAGAT DUMALUYONG 
  •  BUONG KALAWAKA’Y NAGING DAPIT HAPON
  •  ANG BUKANG LIWAYWAY NAMAMASID NOON 
  • GANAP NA NAGLAHO NG SANDALING YAON 
  •  MATAPOS MAGDAAN ILANG SANDALI PA 
  •  ANG MUTYA KUNG GINANG AY INIOWI NA 
  •  SA AMING TAHANANG DATI AY MASAYA 
  • NGAYO’Y NAGING PUGAD NG PIGHATI’T DUSA 
  •  ILANG GABI HALOS NA PINAGLAMAYAN 
  •  MUTYA SA PUSO KO NA WALA NG BUHAY 
  • HABANG MINAMASDAN SA GABI AT ARAW 
  • ANG AKING NADAMA’Y ISANG KATANONGAN 
  •  SA AKING PAG-ALIS SINO ANG IIWAN 
  • KUNG IKAW WALA NA SA MONDONG IBABAW 
  •  SA AKING PAGDATING SINO ANG DARATNAN 
  •  KUNG NANDOON KANA SA HULING HANTUNGAN 
  •  SINO ANG KAYAKAP SA AKING PAGTULOG 
  •  KUNG ANG KATAWAN MO’Y ISA NG ALABOK 
  •  SINO ANG PUPUKAW KAPAG NATUTULOG 
  • BUTIHING MAY BAHAY NA ASAWANG IROG 
  • OH! MINAMAHAL KUNG MUTYANG SINISINTA 
  •  BAKIT KA’Y AGA MONG SA AKIN KINUHA 
  •  PARANG KAILAN LANG TAYO’Y MAGKASAMA 
  • PINAGSASALUHAN TAMIS NG LIGAYA 
  •  PANAHONG LUMIPAS AY LUBHANG MADALI 
  • BAKAS NG KAHAPO’Y DIPA NAPAPAWI 
  •  DIPA NALILIMOT BINDISION NG PARI 
  • MAGSASAMANG LUBOS PUSONG PINAGTALI 
  •  KAPOS KAPALARAN ATING PAGSASAMA
  •  WALA KANANG BUHAY AKO’Y INIWAN NA 
  • HANGGANG SAAN AKO MAKAPAG-IISA 
  • SA LANDAS NA ITO NG PANGONGOLILA 
  •  MATA’Y NAKATANAW DOON SA MALAYO 
  • AT GINUGUNITA TAMIS NG PAGSUYO 
  •  ANG TANGING PABAON SA IYONG PAGLAYO 
  • DIKA MALILIMOT SA UBOD NG PUSO 
  •  NGAYON AALIS KA KAMI IIWAN MO 
  •  MAGIGING TAHANA’Y YAONG SEMENTERYO 
  • POOK NA MAPANGLAW SA PARTI NG MUNDO 
  •  PAGKAT ANG NATIRA AY NAGIGING ABO 
  •  DOON SA SIMBAHAN IKAW IDINAAN 
  •  BAGO INIHATID DOON SA LIBINGAN 
  •  HABANG NAGLALAKAD TUGTOG AY MAPANGLAW 
  •  NA PARA BANG TINIG NG HULING PAALAM 
  • NG MAIHATID KA SA MUNTING TAHANAN 
  • KAMI UMOWI NG SAKBEBE NG LUMBAY 
  • ANG MARAMING TAO LUBOS NA DUMAMAY 
  •  HALOS HINDI KO NA PASALAMATAN  
  • MAG MULA NOON HINDI MATAMHIMIK 
  •  SA DATING HIMLAYAN AY HINDI MAIDLIP 
  • LAGING NAGHAHANAP LAGING NAGIISIP 
  •  KUNG BAKIT KAY AGA NA ITO’Y SINAPIT 
  •  AKO’Y TAO LAMANG MAY PUSO’T DAMDAMIN 
  •  TULAD NG HALAMAN SALOOB NG HARDIN 
  • KAPAG KA ANG TUBIG NAWALAY SA PILING 
  •  AGAD NALALANTA KAHIT DIINITIN 
  •  MGA MAGULANG KO KAYO ANG PATNUBAY 
  •  SA BAWAT SANDALI SA MONDONG IBABAW 
  • MGA KAPATID KO KAYO ANG TIMBULAN 
  • SA PAGKAKAPALAOT SA DAGAT NG BUHAY
  •   KAYO MGA ANAK GABA’Y AT SANDIGAN 
  •  SA TATAHAKIN KUNG PANIBAGONG BUHAY 
  •  ANG MGA APO KUNG MAY MORANG ISIPAN 
  •  ISANG ALAALANG SAAKIN INIWAN 
  •  NAGING KAPALARAN NAMING MAG-ASAWA 
  • MAAARING MALUNGKOT MAAARING MASAYA 
  •  MALONGKOT SAPAGKAT SIYA’Y NAWALA NA 
  •  ---ULIRAN SA KABUTIHAN IKAW MOTYANG SINISINTA 
  •  NA MINAMAHAL AT INIIBIG DINAKILA AT SINAMBA 
  • IKAW AMING HAHANDOGAN NG LUBOS NA ALA-ALA 
  • PAGKA’T UNANG KAARAWAN MULA NOONG PUMANAW KA 
  •  SAAN KA MAN NAROROON O DIOSA NG AKING BUHAY 
  • ANG TAIMTIM NA DALANGIN 
  • SANA’Y IYONG MARAMDAMAN 
  • SANA’Y PINAGPAPALA KA NG PANGINOONG MAY KAPAL 
  • AT DOON SA PARAISO’Y MASAYA KANG NAHIHIMLAY 
  •  KUNG IKAW MAN AY WALA NA 
  • IKAW AMING YAYAKAPIN 
  •  KAHIT NASA PANAGINIP SA RUROK NG PAPAWIRIN 
  •  SA KARUSANG MGA ULAP IPAGHEHELE KA NAMIN 
  • UPANG KAHIT SA GONITA’Y IKAW AMING MAKAPILING 
  •  ANG SARIWANG MGA ROSAS SA PUNTOD MO’Y IAALAY 
  •  UPANG MAG SILBING PABANGO 
  • NG ALABOK MONG KATAWAN
  •  AT ANG NINGAS NG KANDILANG PATONGO SA KALANGITAN
  •  AY ILAW NA BAWAT ORAS SAIYO AY MAY BABANTAY 








Miyerkules, Pebrero 15, 2017

PUSONG SAWI

Naranasan mo na bang maging sawi? marahil hindi lamang ako at ang ilang tao ang nakaranas ng ganito? sawi sa pag-ibig...sawi sa ibat ibang bagay...mga karanasan na hindi mo agad agad maiwawaglit sa iyong isipan..pilit na umuukilkil sa iyong balintataw ..bawat umaga...bawat araw...ngayon, ikaw ba ay hihinto na sa ganitong kalagayan ng iyong buhay o magpapatuloy ka sa iyong paglalakbay hanggang sa matamo ang isang tinatawag na ,,,,TAGUMPAY..#HUGOT #NASAKTAN..NAGMAHAL..maraming pwedeng idugtong sa dalawang katagang ito..subalit ang lahat ba ay makakatulong sa iyong pagkatao..sa kabuuan ng iyong buhay...
abangan ang mga iba ko pang ilalahad hinggil sa aking pamagat sa blog na ito..nawa'y hangad ko ang makakabasa ay magkaron ng isang aral sa pagbabasa ng aking blog..bago pa lamang ako subalit sa pagdaan ng mga araw matutunan ko rin ang pagsusulat dito sa blog..na isang libangan, talento at inspirasyon ko na nahinto maraming taon na ang nakaraan. ngayon ay muling bubuksan ang aking natatagong hugot sa buhay. salamat sa lahat..