Biyernes, Agosto 25, 2017
Martes, Agosto 22, 2017
KASAYSAYAN
Naniniwala ka ba na ang isang kasaysayan ay nagsisimula sa kasalukuyan? Isang manunulat ang maaaring magsalaysay nito sa hinaharap upang mabuo ang isang ...kasaysayan. Kung kaya napakahalaga ng papel na ginagampanan ng isang manunulat upang ang mga susunod na salin-lahi ay magkaroon ng kaalaman o kaunawaan sa mga pangyayari ng nakalipas. Patungkol sa kung ano ang kanyang pinagmulan. Kung walang naisulat ang mga naunang tao sa atin, o mga ninuno natin o ng iba pang mga bansa ay hindi natin malalaman ang mga bagay na ating nakikita sa paligid gaya ng mga lumang istraktura, artifacts atbp. Mga sinaunang bagay at mga pangyayari, subalit hindi lahat naman ng mga nasulat noon ay hango sa tunay na pangyayari. May mga tinatawag rin namang mga fiction dahil kung minsan bunga ng imahinasyon o mga bagay na gusto nilang mangyari. Subalit marami ring mga nasulat noon na itinago sa mga mapatalinghagang mga kwento upang malaya nilang maisulat ang lahat ng iyon at mabasa ng mga mamamayan na may kaunawaan sa ganoong bagay lalo na noong panahong sinakop tayo ng mga Kastila, may mga nagsulat gaya nila Dr. Jose Rizal, ang ating Pambansang Bayani; Francisco Balagtas at iba pa na maaaring hindi ko kilala ngunit nagbigay ng kontribusyon sa ating bansa. Higit pa rito, may mga kasaysayan na totoong naganap...kasaysayang ng pagkalikha sa tao, sa mundo at lahat ng bagay. Mga kasaysayang nakapaloob sa aklat na makikita sa larawang aking inilagay sa ibaba. Higit sa lahat ay ang Kasaysayang ng kaligtasan ng tao na naganap noon at magaganap pa rin sa kasalukuyan at sa hinaharap sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus kung tatanggapin natin Siya bilang Panginoon at Sariling Tagapagligtas ng ating buhay.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)