Ang tagal ko nang hindi nakapaggawa ng mga blog dito kase masyado akong naging abala sa aking You Tube channel at sa ibang social media account. pero ito ang isa sa mga hobbies ko nuon pa man ang magsulat at gumawa ng mga sariling likha na mga munting kwento,, kanta at tula. Subalit dahil nga sa mas trending ang panonood ng mga bidyo sa You Tube kung kaya mas nagpopokus ako doon sa ngayon.
pero sa kabilang dako, namimissed ko rin naman ang paggawa ng mga likha dito. Ang tanong meron kayang nakakabasa ng mga obra maestra ko dito na kahit parang ang korni o hindi ganuong kaattractive sa mga mababasa, nais ko lang naman ibahagi ang konte kong nalalaman o talento sa pagsulat. Subalit sa kadahilanang may kakulangan pa rin ako sa ngayon sa mga resources kung pano ko ipagpapatuloy ang aking blogging at vlogging ay heto ako ngayon lang ulit bumalik dito.
ang dami ko dating gustong gawin dito. pero nawalan ako ng panahon.
ang dami nang naganap sa akin buhay sa loob ng ilang panahon na pagkakaliban ko dito sa blogspot pero di ko pa rin naman kinakalimutan to.
Nawa ay isang araw mabigyang pokus ko ulit to.
I love writing, composing poems and songs basta nasa concentration ako.
sa lovelife ko ung updates ko hindi ko na naipagpatuloy kase till now, nakahang pa rin. nafalse alarm ang lola ninyo kaya soon ko na lang ikuwento ang buong detalye pag nagkaron ako ng panahon na maisawalat lahat. hehe.
sa work naman eto jobless parin kase di pa ulit nagttry kung saan ba talaga ako mahihired..hehe.. sa call center inbound or non voice ba? mas prefer ko ung non voice kahit no experience ako atleast hindi ko na papakinggan sa tenga kundi ittype na lang gaya neto ginagwa ko.
updates ko na lang dito sa mga susunod kung ano ba talaga ang mangyayari sa akin.
Kung may nakakabasa man ng mga gawa ko dito salamat ng marami sa inyong lahat. at nawa ay may maihatid tuwa o inspirasyon kung meron man sa aking mga nagawa nuon pa dito.
God bless you all
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento