Biyernes, Marso 5, 2021

Sinisinta Na di Pa Nakikita (old poem)

 TITLE:ANG AKING SINISINTA NA DI PA NAKIKITA

AUTHOR: EMMA 

DATE WRITTEN: UNKNOWN (EARLY 20s)


AKO'Y UMAASA SA ATING PAGKIKITA

NA TAGLAY MO ANG KATANGIANG GALING SA KANYA

KALOOB NG DIYOS KA NA SIYANG MAGING KASAMA

HABANG AKO'Y NABUBUHAY KATUWANG SA PANINILBIHAN


HINDI PA MAN KITA NAKILALA

SUBALIT PATULOY NA ISINASAMA

SA AKING DALANGIN IKAW'Y MAALALA

MAGING SINO KA MAN MINAMAHAL NA KITA


ALAM KONG HINDI KA PERPEKTO NA TULAD KO

HINDI MAKAABOT SA PAMANTAYAN KO

NGUNIT ALAM KONG MAGIGING KASUNDO KO

ANUMANG BAGYO'T PAGSUBOK DUMATING SA BUHAY KO


IKAW NA KALOOB SA AKIN NG MAYKAPAL

ISANG KAIBIGAN NA SIYA KONG KAAGAPAY

SA BAWAT MITHI AT LAYUNIN SA BUHAY

NAKAHANDANG UMAALALAY SA ORAS NG LUMBAY


HINDING-HINDI AKO MAIINIP

KUNG KAILAN KITA MAKAKANIIG

PAGKAT ALAM KONG MAY PANAHONG SASAPIT

ISANG TAMANG PANAHONG/SANDALING(REPLACED)BUHAT NGA SA LANGIT


NAKAHANDANG MAGHINTAY ITONG AKING PUSO

SAYO AKING MAHAL SAAN MAN AKO DUMAKO

TUWINA'Y IKAW ANG HAHANGARIN KO

NA MAKAPILING SA BUONG BUHAY KO


ANG MENSAHENG TULA NA ISINAAD KO

AY ALAY KO PARA SA ATING PAGTATAGPO

SA PANAHONG DARATING MAY DAMDAMING MABUBUO

MATIBAY NA PUNDASYON SA RELASYONG... DIYOS ANG NAGPUNO


****END***



QUOTE FROM COACH PIPO CONDE FEB.28.21 - "TO KNOW THE MEANING OF THE POEM GET TO KNOW THE POET AND WALK WITH HIM"