Linggo, Hulyo 9, 2017

KABIGUAN

Nakaranas ka nang mabigo sa mga pinangarap mong mangyari sa iyong buhay.. sa iyong nakaraan? Iyon bang gustong gusto mong makamtan abot kamay na subalit unti unting naglaho at tila baga nawalang parang bula. May mga iba't ibang kadahilanan kung bakit nangyayari ang mga bagay na hindi mo inaasahan na iyon ang magiging resulta ng iyong pagsisikap, na ang tanging layunin mo naman ay hindi lang pansarili kundi kaakibat din ang ibang tao sa iyong pangarap na iyon. Subalit ikaw ay nabigo at hindi mo alam kung kailan ka babawi ng lakas upang mapagtagumpayan ang kabiguan na iyon. Humahanap ka ng solusyon ayon sa sariling lakas at karunungan subalit bigo ka pa rin maunawaan ang mga bagay-bagay, Bakit?? sapagkat hindi mo kayang mag-isa lamang, kailangan mo ng dadamay sa iyong kalagayan. Layuan ka man ng mga dating kaibigan, o mga mahal mo sa buhay na siyang magiging sandalan mo sana sa iyong mga nararanasan. Subalit ang nag-iisang nanonood sa iyo sa panahon na ikaw ay nalulumbay, umiiyak na tila hindi makita sa iyong mata dahil naubos na ang luha umaagos dito. Huwag mag-alala dahil hindi lang naman ikaw ang nakakaranas ng ganiyang kalagayan. Maaaring hindi mo maunawaan sa kasalukuyan subalit darating ang araw malalagpasan mo rin iyan. Alalahanin mo lamang na mayroong isang sa iyo'y nakamasid. Ang ating Diyos na tunay nating kasama sa lahat ng panahon, sa bawat pagkakataon, at sa itinakdang oras magugulat ka na lamang hindi mo mamalayan, nagtagumpay ka rin naman pala. Sobrang tagal man iyon, subalit sa tulong ng ating Panginoon, makakamtan mo ang inaasam mong pangarap. May kasabihang "Failure is the backdoor of Success" naniniwala ba kayo dito?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento